Miyerkules, Setyembre 11, 2013

Si Idol



Sa bawat pagpalit ng mga araw, sa bawat pagtiktak ng orasan, sa bawat segundo na dumadaan,madalas kong maalala ang mag araw na kasama ko sya...


Isa sya sa mga taong hindi ko makakalimutan sa tanan ng buhay ko.Isa sya sa mga taong ikukwento ko sa magiging anak ko..Isa sya sa mga taong ipagmamalaki ko sa ibang tao..Isa syang huwaran sa buhay ko..


Hindi kailaman matatawaran ang kabutihang ginawa nya para sakin at sa mga milyong milyong kabataan na natulungan nya...Kung isiswalat ko ang lahat ng mga bagay na nagawa nya kulang ang isang buong pahina na ito para sabihin ko iyon..


Masasabi kong hindi sya sikat katulad ni Angelina Dyoli at Kris Akino...Pero kasingbusilak ng puso nya ang puso ni Mother Teresa...Hindi ko sya kaano ano pero itinuring ko syang KAPATID,KAPAMILYA at KAPUSO..Hindi ko sya tunay na ina pero itinuring nya akong kanya...Itinuro nya ang lahat ng bagay sa akin...Ang muling mangarap,bumangon at lumaban...Sya ang katulong ko sa paggawa ng mga assignments,projects at Exam ko noon..Sya ang tumulong para magawa ko ang mga bagay na dati iniisip at pinapangarap ko lang...Hindi sya si WEBSTER o si AYNSTAYN pero lahat ng tanong ko nasasagot nya...Hindi sya si WANDER WUMAN pero kaya nyang ipagtanggol ang naaapi...Lagi syang andyan sa lahat ng oras na kailangan ko sya..Sya ang kasama ko sa mga laban ko sa buhay..Sya ang nagsilbing kanlungan ko sa panahon na sadlak ako sa problema..Hindi sya nagaatubili kapag may kailangan ako..Sya ang nagsilbing inspirasyon ko upang mangarap ulit at harapin ang lahat ng bagay...Sya ang nagparealize sakin na may kaya akong gawin...Na kaya kong gawin ang kaya ng iba..na lahat ng bagay ay napagaaralan...

Sa totoo lang..MISS ko na sya...Miss ko na yung mga kwentuhan namin na masaya..

Yung mga tawanan namin..yung mga lakad namin..yung paggawa namin ng mga reports...

Kahit saglit lang sya pinahiram sakin naging masaya ako doon...Ang dami kong natutunan at nalaman...

Lagi ko nga sinasabi.."KUNG ANOMAN AKO NGAYON..ISA SYA SA DAHILAN NG MGA IYON.."

Sana mapatawad nya ako kung hindi ko man sya nadadalaw...Sana wag nya isipin na nakalimutan ko na sya dahil hindi talaga..Kung san man sya ngayon alam ko na masaya sya kasama ang taong lumikha sakanya..Salamat sa mga nagawa mo para sa akin..Miss na kita Idol. Hanggan sa muling pagkikita natin... :-)














Martes, Setyembre 10, 2013

ANO BA ITO???


Hanggan ngayon iniisip ko bakit ako nagtitipa dito sa maputing papel na may pamagat na blog..

Isang sagot lang ang namumutawi sa utak ko..WALA AKONG MAGAWA..

OO wala akong magawa kaya kung ano anong kabalbalan ang ginagawa ko..

Andito ako sa loob ng opisina..nagpapakasasa sa lamig ng aircon at libreng wifi...

Habang nagpapakasasa sa mga bagay na ibinibigay ng aircon at wifi andito ako at nakanganga naghihintay ng iuutos ni Bossing kung meron man...

Alam ko na hindi ito nakakatulong upang umunlad ako bilang isang tao..kaya nga nagsasawa  na ako ee at nagdesisyong lumayas na dito..

Sa mga oras na ito madami ang gumugulo sa utak ko..Anjan yung nabubang ako kasi sobrang tahimik at walang matinong makausap, kumukulo angtyan na parang natatae na ako, bumabalik yung dating sakit sa balakang na sanhi ng pagtakbo, nangangating mga paa dahil gusto ng umuwi dahil nakakantok lang naman sa opisina, tapos biglang mababadtrip dahil may tumawag at nagtanong ka tapos susupalpalin ka at kung ano ano pa...

Hayst..Tinatanong ko sarili ko kung ito ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko..Ito ba yung magpapaligaya ng buhay ko??Syempre ang sagot sikreto...Sabagay ako ay isang munting musmos pa lang kaya hindi ko kailangan madaliin ang buhay..Enjoy enjoy din..sabi nga sa kanta..LIVING YOUNG ,WILD, and FREE.. Wala naman masama kung gawin ko ang gusto ko as long as wala ako ng natatapakan na tao at alam kong tama ang ginagawa ko...Kung sinoman chismosa ang manira sakin wala na akong pakielam...Basta magiging masaya ako at ang pamilya ko..Ok na sakin yon..